Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na magpaliwanag o magbigay ng komprehensibong tugon sa ulat ng Commission on Audit (COA) na nagkaroon ng irregularidad sa paggastos ng ₱67 bilyong pondo para sa COVID-19 reponse ng gobyerno.
Sa COA report, hindi maayos na naidokumento, unliquidated, kinakitaan ng iregularidad sa procurement process, at nananatiling unobligated ang nasabing pondo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hihintayin ng Pangulo ang magiging tugon ng DOH sa usapin, lalo pa't mabigat aniya ang naging ulat ng COA.
Nang tanungin naman kung nagtitiwala pa rin ba ang pangulo kay Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng usaping ito, sinabi ni Roque na hindi muna huhusga ang Pangulo.
Iginiit pa ni Roque na hihintiayinmuna ni Duterte ang magiging tugon ng DOH at ang magiging final report ng COA.
Beth Camia