Upang mapigilan ang paglaganap pa ng COVID-19 variants, balik sa 14-day quarantine ang mga nakakumpleto na ng bakuna kung may makakasalamuha silang pinaghihinalaan oconfirmed individuals na tinamaan ng virus.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pansamantalang mawawalang bisa muna ang Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 124-B series of 2021 na inilabas noong July 2, 2021 na nagpapahintulot sa mga fully vaccinated pero nagkaroon ng close contact sa mga probable o confirmed persons na may COVID na makapag-quarantine ng isang linggo lamang.
Kung mananatiling asymptomatic ang isang close contact sa loob ng 14 days ay papayagan na itong makauwi sa kanyang pamilya.
Paliwanag ni Roque, kungnagpakitaito ng sintomas at nag-positive sa testing, ito ay ia-isolate, ia-admit, at gagamutin sa isang facility.
Beth Camia