Nakalaan lamang sa tatlong lugar sa bansa ang 813,150 doses ng Pfizer vaccine laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na inaasahang darating sa bansa sa susunod na mga araw.

Ito ang inihayag ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 nitong Miyerkules at sinabing kumpiyansa ang pamahalaan na secured na ang national governnentsa delivery ng nasabing bilang ng bakuna.

Pahayag ng NTF, hahatiin sa tatlo ang alokasyon nito kung saan makatatanggap ng tag-102,960 dose ang Cebu at Davao habang ang natitirang 607,230 dose ay mapupunta sa Luzon.

Inaasahang lalapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang eroplanong maghahatid ng bakuna sa bansa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nitong nakaraang buwan, magkasunod na dumating sa bansa ang 562,770 dose ng Pfizer at 375,570 dose pa nito upang magdagdagan ang suplay ng bakuna sa Pilipinas.

Beth Camia