Naaresto ng mga awtoridad ang apat na pinaghihinalaang drug courier sa matapos mahulihan ng ₱2.6 milyong halaga ng marijuana na dala nila sa dalawang motorsiklo sa isang checkpoint sa Bauko, Mountain Province, nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro ang mga suspek sina Christian Allen Vergara Habab, 24, ng Catagayan, Sta. Cruz, Ilocos Sur; Aljon James Ambasing Bangayan,30, ng Poblacion Norte, Sta. Cruz, Ilocos Sur; Mark Jamandre, ng Santa Cruz, Ilocos Sur at John Randolf Torres Cadavez, ng Santa Lucia, Ilocos Sur.
Sa police report, dinakip ang apat nang maharang sila ng mga tauhan ngPhilippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Mt.Province Provincial Police Office sa Sitio Dawaic, Otucan Norte, Bauko, Mountain Province, nitong Agosto 11, dakong 11:28 ng gabi.
Sinabi ni Castro na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagbibiyahe ng marijuana ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo mula Kalinga atpadaanng Mt. Province patungong Ilocos Sur sa pamamagitan ng Bessang Pass, Cervantes-Tagudin Road.
Agad namang nagsagawa ng interdiction checkpoint ang PDEA sa pangunguna nina Intelligence Officer/Agent Kerwin Gabiedez at Randy Ticangen.
Nakumpiska ng mga operatiba ang 18 bricks na marijuana dried leaves at siyam na pirasong tubular dried marijuana na may timbang na 21,697 kilo at may standard drug price na P2,603,640 mula sa sinakyang NMAX MCs na kulay black at gray.
Kinasuhan na ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 9165 Section 5 (Transportation of Illegal Drugs).
Zaldy Comanda