Umaabot na ngayon sa mahigit 81,000 ang aktibong COVID-19 cases sa bansa matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng mahigit 12,000 bagong kaso ng sakit.

Ito aa batay case bulletin No. 515 ng DOH nitong Miyerkules ng hapon,nakapagtala pa ang bansa ng 12,021 bagong COVID-19 cases.

Dahil dito, ang total COVID-19 cases sa Pilipinas ay pumalo na sa 1,688,040.

Anang DOH, sa naturang 4.8% pa o kabuuang 81,399 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa active cases naman, 94.8% ang mild, 1.6% ang severe, 1.5% ang asymptomatic, 1.15% ang moderate at 1.0% ang critical.

Mayroon din namang naitala ang DOH na 9,591 na bagong gumaling sa sakit.

Sa kabuuan, umaabot na ngayon sa 1,577,267 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.4% ng total cases.

Samantala, may 154 pang pasyente ang sinawimpalad naman na bawian na rin ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na sa 29,374 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.74% ng total cases.

Mayroon din namang 137 pang duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 129 recoveries.

Sa pinakahuling ulat ng DOH, ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Agosto 9, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 2.0% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” anang DOH.

Dahil naman sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, pinaaalaalahanan din ng DOH ang lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards.

Mary Ann Santiago