Matapos ang hype reaction ng mga tao sa kanyang pelikulang 'Revirginized,' tila serious mode na ulit si Megastar Sharon Cuneta.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nanawagan siya ng tulong para sa pantawid-gutom at gamot ng mga taong may sakit sa gitna ng pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

"Pati po pantawid-gutom po at gamot sa mga may sakit ngayong ECQ WELCOME po from anybody who’d love to help!!! God bless you!!!" aniya sa kanyang Facebook post.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Screenshot mula sa FB/Sharon Cuneta

Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Mega ang kanyang pagkonsulta umano sa isang economist friend upang talakayin ang recession.

"Also, I checked with an economist friend about sinking so low that any way up is good. My friend’s reply: Yes, base effect. We came from a -17 percent starting point last year. Recession is a technical term that means at least two quarters of declining GDP growth rate. As long as the economy registers a positive growth rate after two quarters of declining growth, even if that growth rate is 0.00 percent, it will be out of the recession. Di ibig sabihin nadagdagan na ang mga trabaho at gumanda na ang buhay ng mga Pilipino," paliwanag niya.

Screenshot mula sa FB/Sharon Cuneta

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. May bashers pa na bumatikos kay Shawie.

"Of course that is really happening because of the pandemic. If a rich country had experienced a recession, how much more sa Pilipinas na isang third world country? What do you expect? If you want to help our government, why not posting job opportunities for our fellow men who are jobless now so that you can give hope for them.I know you can help because of your connections. Your husband is a senator, he is part what our country's situation right now. Kung mababasa 'yan ng mga ordinaryong tao, hindi nila 'yan maiintindihan, ang ibig sabihin ng mga figure na 'yan, pero kung mag-post ka kung ano ang pwede mong maitulong for sure maintindihan ka nila and they will be more happy," sabi ng isa.

"Attention Sharon Cuneta, do not use your husband's political agenda to undermine the status of how the government handles the pandemic. You are well aware that no first world countries handle it easily. The government has done its best to cope with this health problem. As a wife of a senator, you could have been of big help in extending your hand to the government rather than undermining the situation and making it show that the government has done nothing! FYI, if that is your agenda in order to present your husband as an asset you are WRONG! Even if you run for political positions, you will not WIN, how much more your husband," saad naman ng isa.

"KIKO MUST CHANGE ECONOMIC PROVISIONS in the Constitution, Simple!!!!" reaksyon naman ng isa.

Kaya naman, agad na nagpaliwanag si Mega upang depensahan ang sarili sa mga taong 'nega' at minamasama ang kanyang pagtulong.

"Humihingi lang po ako ng tulong sa ibang mga kababayan nating may kakayanan at pusong tumulong. Para hindi lang lahat umaasa sa gobyerno. Baka lang makausad nang konting bilis pa. Hindi ako nakikipag-away sa kahit kanino. HUMIHINGI LANG PO NG TULONG AT MGA SUHESTYON MULA SA INYONG LAHAT. That’s all about this for now. The end na muna ito at alam nyo naman…kahit maganda ang intensyon ng isang tao, meron at meron pa ring mambabash! Expected na natin pero wag na pansinin. Ang importante ay makaisip ng kahit maliliit na paraan para makatulong," pagbibigay-diin pa ni Mega.

Screenshot mula sa FB/Sharon Cuneta