Binuksan na ng pamahalaan ang National Sports Academy Annual Search for Competent, Exceptional, Notable and Talented Student-Athlete Scholars (NASCENT SAS) na layong magbigay ng scholarships para sa mga batang atleta mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang indigenous people, persons with disabilities at iba pang marginalized sectors.

Official brochure ng NAS

Ang programa ay ekslusibo lang sa mga natural-born Filipino, edad 14 na taong gulang pababa sa pagsisimula ng taong-panuruan at kasalukuyang enrolled na Grade 6 sa panahon ng aplikasyon, o kung hindi man, ay magbibigay ito ng katibayan na may potensyal siya sa isang partikular na sport at ‘physically fit’ sa matinding pagsasanay

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Mula Hulyo 31, in-extend ng NAS ang pagtanggap nito ng aplikasyon upang mas maraming batang Pilipinong atleta pa ang mabigyan ng panahon upang makapagsumite ngmgakinakailangang dokumento.

Official brochure ng NAS

Nitong Miyerkules, Agosto 11, pinagmalaki ng Presidential Communication sa Facebook page nito ang nasabing programa.

“Binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Academy of Sports (NAS) upang makilala at ma-develop ang talento ng natural-born Filipino youths na mahusay sa larangan ng sports at academics,” paglalahad ngFacebookpage.

Ilang dokumento at forms ang kailangang isumite ng mga aplikante sa NAS para maging kwalipikado sa programa.