Kasabay ng pagkapanalo ni Hidilyn Diaz at pag-ariba ng mga Pinoy boxers tulad nina Nesthy Petacio, Carlo Paalam at Eumir Marcial sa 2020 Tokyo Olympics, sinariwa ng netizens ang karanasan ng 1996 Olympic silver medalist na si Mansueto "Onyok" Velasco matapos hindi makuha ang natitirang cash incentives na ipinangako sa kaniya.

Kaugnay nito, tagumpay naman ang mga netizens na sa pagpapahayag ng suporta kay Onyok.

Naglabas ng press release si Senador Bong Go sinabi nito na sisiguraduhin niya na makukuha ni Onyok ang P500,000 cash incentives at inirekomenda na niya ito kay Pangulong Duterte.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Larawan: Sen. Bong Go/FB

Aniya, "Sa panahon ni Pangulong Duterte, binibigyan natin ng importansya, suporta at insentibo ang mga atleta natin lalo na yung mga nagtagumpay sa Olympics ngayon. Bigyan rin dapat natin ng karampatang pagkilala ang mga atleta nating katulad ni Onyok na nangangailangan ng tulong natin ngayon.”

“Nakapagdala po ng honor si Onyok sa ating bansa. Napaglipasan lang po ng panahon ang ibang mga ipinangako sa kaniya. Kaya po ako nakikiusap sa gobyerno na mabigyan siya ng konting tulong bilang pagkilala rin sa kanyang accomplishment noon,” dagdag pa ng senador.

Larawan: Onyok Velasco/IG

Matatandaan na nasungkit ni Onyok ang silver medal sa larangan ng boxing noong 1996 Atlanta Olympics at dahil dito, nakakatakdang makatanggap ng P2.5 milyong cash incentives si Onyok ayon sa RA 9064 o National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act of 2001.

Basahin: Ang Olympic heartbreak ni Onyok Velasco

Samantala, sa pagpapaliwanag ni Senador Sonny Angara, dahil nanalo si Onyok bago pa maisabatas ang RA 9064, kalahati na lamang ang matatanggap nito.

Nakatanggap na noon si Onyok higit P750, 000 kung kaya'y P500,000 na lamang ang naiwan na siya namang sinigurado ni Senador Go na kaniyang matatanggap.