Nagbabala ng Department of Health (DOH) sa publiko na maaari pang maging banta ang pagbili ng oxygen tanks kapag hindi wasto ang paggamit dito.
“Huwag kayong bibili or maglalagay ng oxygen sa inyong bahay kung hindi kinakailangan. Kailangan po natin pag ingatan ang paggamit ng,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Miyerkules, Agosto 11, sa isang online forum.
“Please avoid buying oxygen right now if it is really not needed,” dagdag ni Vergeire.
Ang oxygen tanks ay dapat na may rekomendasyon ng dokto, ayon sa health official.
“We call it medical grade oxygen and these are prescribed commodities dahil ito ay kailangan guided kayo ng inyong doktor para gamitin niyo ang oxygen,” sabi ni Vergeire.
Naglabas din ng parehong pahayag ang DOH Visayas Director Dr. Jaime Bernadas.
“The inappropriate use of medical grade oxygen without medical supervision can lead to Oxygen Toxicity due to breathing in too much or unregulated amount of oxygen,” sabi ni Bernades.
“This leads to trauma of the lung tissue. For an individual whose lungs are already inflamed due to SARS-CoV-2 virus infection, unsupervised Oxygen Therapy can lead to more damage and even death,” dagdag niya.
Nagbabala rin si Vergeire na flammable materials ang mga oxygen tanks.
“Ang pinaka paalala natin sa ating mga kababayan, flammable po ang oxygen. Konting trigger lang diyan maaaring magkaroon ng sakuna sa inyong pamamahay,” sabi ni Vergeire.
Pinayuhan ng DOH na ipag-alam agad sa awtoridad kung nakakaranas ng ilang sintomas ng COVID-19.
“It is advised that suspected symptomatic individuals seek immediate medical attention for appropriate management,” sabi ni Bernadas.
Samantala, binanggit ni Vergeire na mahalagang mayroong basic equipment o gamot sa mga tahanan.
“Unang-una na kailangan sa inyong bahay ay thermometer. Kailangan mamonitor ninyo ang inyong temperature kung kayo ay nilalagnat or hindi,” dagdag niya.
“Kung meron din kayong pulse oximeter, kung sakaling kakayanin ng budget at kung makakapagbigay assistance ang local government. This is for you to measure yung oxygen level niyo para alam niyo kung kailan talaga kailangan pumunta sa isang facility,” dagdag niya.
Paalala ni Vergeire, ‘wag rin agad uminom ng antibiotics nang walang gabay sa eksperto.
“Huwag kayong iinom ng antibiotics ng hindi pineprescribe ng ating mga doktor… Kailangan malaman kung talagang kakailanganin natin ng antibiotics or hindi,” she added.
Analou de Vera