Taong 1924, nang magsimulang lumahok ang Pilipinas sa World Olympics. Sa loob ng 97 taon, nakapag-uwi ang bansa ng 12 medalya — isa dito ang unang gintong medalya mula kay Hidilyn Diaz.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, bukod kay Diaz, may isang pang babae na nagngangalang Arianne Cerdeña, ang minsan nang nakapag-uwi ng gintong medalya sa World Olympics ngunit hindi ito opisyal na kinilala dahil "demonstration sports" lamang ito noong panahong iyon.

Si Cerdeña, ang sana'y kauna-unahang gold medalist ng Pilipinas matapos manalo sa tenpin bowling women's category.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Larawan: Arianne Cerdena Valdez/FB

Dahil "demonstration sports" o nilaro lamang ang bowling upang i-promote ang sports na ito kaysa gawing standard medal competition, hindi binilang ang pagkapanalo ni Cerdeña bilang gold medalist.

Sa edad na 19, sumalang si Cerdeña sa 1981 South East Asian Games o SEA Games. Ito rin ang kaniyang unang laro bilang miyembro ng national team ng bansa.

Maraming medalya ang naiuwi ni Cerdeña para sa bansa. Taong 1983 nang masungkit niya ang silver sa World Tenpin Bowling Championships. Bronze naman sa doubles sa Asian Games noong 1986 sa Seoul, South Korea at Gold sa team of five.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang karera sa larong bowling, naiuwi naman niya ang silver medal (single at doubles) sa World Games noong 1989 na ginanap sa Karlsruhe, West Germany.

Nasungkit naman niya ang kampeonato sa 1999 SEA Games (singles) na ginanap sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam. Gayon din sa 2001 SEA Games (doubles) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Matapos ang 2001 SEA Games, nag-retiro si Cerdeña bilang professional athlete upang pasukin ang bagong mundo niya — ang pagiging nars. Matapos mag-retiro, lumipad patungong U.S. si Cerdeña upang mag-aral.

Larawan: Arianne Cerdena Valdez/FB

Ngayon, isa nang registered nurse si Cerdena, kasama ang kaniyang asawa at anak. Nagtatrabaho siya sa California Medical Center Medical Surgery Unit at isa nang COVID-19 frontliner.