Umapela si Mayor Tobias “Toby” Tiangco nitong Martes, Agosto 10, sa mga residente ng Navotas na iwasang maging “joy reserver” o ang hindi pagsipot sa araw at oras ng pagtanggap ng bakuna.

Sa huling pagtatala ng lungsod, 975 na ang kabuuang active cases sa lugar kaya’t pakiusap ng alkalde na ‘wag nang sayangin ng mga residente ang inilaan na slot at bakuna.

“Naghahabol tayo sa oras. Mas maraming mababakunahan sa lalong madaling panahon, mas marami ang mapoproteksyonan at mas mabilis tayong makakabalik sa normal na buhay,” pahayag ni Tiangco sa kaniyang Facebook page.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Larawan mula sa Facebook page ni Navotas Mayor Toby Tiangco

Ayon sa alkalde, walang umanong dahilan para hindi makapunta sa piniling schedule sapagkat residente na mismo ang tumutukoy sa petsa, oras at venue.

Babala ng alkalde, ang lahat ng mga hindi darating sa kanilang schedule ay mahuhuli sa listahan.

“Pag hindi po kayo sumipot sa schedule na ginawa ninyo ay "lastlisted" na kayo. Last na kayo sa listahan. Doon na kayo sa dulo ng listahan at makakapagschedule na lang kayo pag tapos na ang lahat ng Navoteño,” sabi ng alkalde.