Pinuna ng Makabayan bloc nitong Miyerkules, Agosto 11 si Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa paglunsad nito ng “personal na pag-atake” laban kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kaugnay ng nalalapit na May 2022 elections.

Sa isang pahayag, iginiit ng Makabayan bloc na ang nasabing hakbang ng Pangulo ay hindi dahil sa pagkakamali ni Moreno o kapalkakan sa trabaho bilang chief executive ng Maynila kundi sa pagiging banta nito sa isinusulong na dinastiya ng mga Duterte sa 2022 national elections.

Si Moreno ay sinasabing nag-aambisyong maging Pangulo ng bansa kasunod ng pagbibitiw nito sa Nationalist Unity Party na nauna nang nakipag-alyansa sa political party ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio na Hugpong ng Pagbabago. Posibleng makakalaban ni Moreno sa pagka-pangulo si Duterte-Carpio.

Nauna nang pinatamaan ng Pangulo ang isang politikong “disorganize” umano sa pamamahagi ng ayuda.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“DILG Secretary Eduardo Año should probably remind his boss that on June 30, 2021 the department awarded the City of Manila a certificate of recognition for ‘efficient and timely’ distribution of financial aid,” pahayag ng Makabayan bloc.

“If there is a “mayor” who is disorganized in its aid distribution and pandemic response that is no one else but “Mayor Duterte” himself.

“Isn’t it because of his leadership that the government failed to release more than Php10-billion cash aid under Bayanihan 1 and 2? Isn’t it because of his ineptitude that our country has the world’s longest militarized lockdown? Isn’t because of their inefficiency that the vaccination rollout remains sluggish?” sabi ng Makabayan.

Ben Rosario