CAGAYAN - Limampu't tatlo kaagad ang naitalang nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cagayan sa nakalipas na 10 na araw.
Ito ang kinumpirma ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) sa kanilang Facebook account, nitong Miyerkules.
Gayunman, hindi na binanggit ng CPIO na ang lugar kung saan naitala ang kaso ng mga namatay upang hindimaalarmaang mga residente.
Kaugnay nito, lalo pang lumobo ang kaso ng nahahawaan sa Tuguegarao City. Nitong nakaraang Martes, umabot na sa 122 ang naitalang bagong kaso ng sakit kaya umakyat na sa 724 ang aktibong kaso nito sa lungsod.
Umabot naman sa 296 ang panibagong kaso ng sakit sa buong lalawigan, nitong Martes.
Liezle Basa Iñigo