Pinuri ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Land Transportation Office (LTO) sa matagumpay na serye ng entrapment operations nito laban sa mga fixers.

Base sa ulat, sa loob lamang ng dalawang buwan mula June 27 hanggang August 4, abot na sa 47 fixers ang nahuli sa bisinidad ng LTO Licensing Centers sa mga lungsod ng Quezon, Pasay, San Juan, at Caloocan.

Ang pinalakas na anti-fixing operations ng LTO ay kauna-unahang inisyatibo ng isang government agency bukod sa ARTA.

Pati mga security guards sa mga LTO offices sa Metro Manila na pinaghihinalaang kakutsaba ng mga fixers ang sinibak din sa puwesto.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Kaugnay nito nanawagan ang ARTA sa iba pang government agencies at local government units na tularan ang ginawa ng LTO na panghuhuli sa mga fixers at tiwali sa kanilang hanay.

Beth Camia