Dahil sa pandemya, milyon-milyong estudyante ang napilitang lumipat sa blended distance learning na ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) mula March 2020. Marami sa kanila ang gumagamit ng mobile phone para sa connectivity at umaasa sa mga video calling services tulad ng Google Meet at Zoom para sa e-learning. Ang mga calling services na ito ay karaniwang nakakaubos ng 1GB na data sa loob ng isang oras.

Para ma-meet ang mobile data requirements ng mga mag-aaral pagdating ng pasukan sa Setyembre 13 na magaan lang sa bulsa, ang Globe E-Learning Loans ay may mas murang data promo na mas malaki ang data allocation.

Pwedeng mag-avail ang qualified Globe prepaid subscribers ng LEARNSOS10 at LEARNSOS15 na merong 1GB data para sa YouTube Learning, Wikipedia, Google Suite, at Canva. Ang LEARNSOS10 ay magagamit sa loob ng 3 oras sa halagang P12, at ang LEARNSOS15 ay valid hanggang 2 araw sa halagang P18.  

Hindi rin magpapaiwan ang mga eligible na Ka-TM. Ang TM FUNARALSOS10 at FUNARALSOS15 ay may 1GB data para sa YouTube Learning, Wikipedia, Google Suite, and Zoom. Ang FUNARALSOS10 ay pwedeng gamitin sa loob ng 3 oras sa halagang P12, at ang FUNARALSOS15 ay valid hanggang 2 araw for P18.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang emergency Globe E-Learning Loans ay pwedengi-avail mula sa GlobeOne app, SMS, at sapag-dial ng *143#. Hanapin ito sa Globe Loans, isang serbisyo na sinisiguro ang non-stop connection ng prepaid customers kahit walang load. Ito rin ay isang alternatibong paraan para makapag-load ng ligtas kahit nasaan pa man.

Sa paggamit ng Globe E-Learning Loans, ang mga estudyante ay maaaring aktibong sumali sa mga online session nang walang interruption, kumuha ng exam, at mag submit ng homework at projects sa tamang oras. Mababawasan din nito ang worries ng mga magulang para mas mabigyan pansin ang iba pang mga pangangailangan ng pamilya.

“Ang edukasyon ay laging prioridad ng pamilyang Pilipino. Gusto naming tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng walang patid na edukasyon sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na connectivity kahit na maubusan sila ng data. Ang Globe ang kanilang kapareha sa pagtupad sa mga pangarap ng kanilang pamilya,” sabi ni Armelie Go, Loans Product Manager.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG) tulad ng Goal No. 4 na may hangaring magbigay ng de kalidad na edukasyon para sa lahat, at UN SDG No. 9 na binibigyang-diin ang papel na ginagampanan ng imprastraktura at innovation sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mgaprinsipyo ng United Nations Global Compact at mag-ambag sa 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.