Umabante na patungo sa titulong 2021 Chessable Masters ang noo'y representante ng Pilipinas sa larangan ng Chess na si Wesley So.
Sa edad na 27, marami nang naiuwing medalya at tropeo ang Fil-Am grandmaster na si So. Lumaki sa Bacoor, cavite si So at 7-anyos siya nang kinakitaan na ito ng malaking potensyal sa larong chess.
Kung totoo mang nagpapaulan ng katalinuhan sa larangang ito, tunay ngang sinalo ito ni So. Taong 2006, sa edad na 12, siya ang pinakabatang Filipino International Master, at pinakabatang miyembro ng national team na lumahok sa 37th Chess olympiad sa Turin, Italy.
“Every week I would cut out newspaper clippings about famous grandmaster games, study them, and then I’d go from street to street with a makeshift board, challenging anyone who knew how to play,” pagbabahagi ni So kay David Cox, isang Britist journalist, noong siya ay nakapanayam nito noong 2019 sa Chess.com.
Dagdag pa niya, wala sa kaniyang pamilya ang naglalaro ng chess kung kaya'y hindi nila naiiintindihan ito. Ayon pa sa kaniya, ninais ng kaniyang ina na maging accountant siya tulad nito.
Hindi naging madali ang kaniyang karanasan sa pagsasanay. “I drifted for a while, squatting in an apartment in Manila owned by the chess federation, but it often had no electricity,” aniya.
Taong 2012, nagbukas ang oportunidad kay So nang siya ay nakatanggap ng chess scholarship mula sa Webster University sa St. Louis, Missouri, US.
Sa edad na 21, gumawa ng malaking desisyon si So sa kaniyang buhay. Ito ay nang lumipat si So mula sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) patungong US Chess Federation. Kasabay nito, binitawan niya ang kaniyang pag-aaral upang maging full-time professional chess player.
Ibinahagi ni So ang mga dahilan ng kaniyang paglipat. Una na rito ay ang kakulangan sa matinding pagsasanay, kaya’t sumulat siya kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) President Prospero Pichay, sinabi niyang bibitiw na siya bilang miyembro ng NCFP.
Aniya sa sulat, “In the Philippines, there is no serious training system. There are also very few strong tournaments in Asia.”
“At this stage of my career, I need to have serious training, and have the opportunity to compete in level appropriate events (category 19-20-21 or higher) in order to improve.”
“No player should be treated this way, especially when I worked so hard to bring pride to my country,” ani So.
Isa pa sa nakikitang dahilan ng kaniyang paglipat ay nang hindi niya natanggap ang isang milyong cash incentive mula sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee nang siya ay manalo sa World Universiade Games sa Kazan, Russia.
“Because of a quarrel between the kings of the sports bodies, not only did the country refuse to acknowledge my efforts, they refused to give me the P1 million promised to athletes who bring home a gold medal,” ani So.
Nagsimulang maglaro ni So para sa U.S. taong 2014. Ngayong taon naman, Pebrero 26, ay opisyal nang naging mamamayan ng bansang United States si So.
Nasa Pilipinas man ang puso, ngunit kinakailangan gawin ni So ang kaniyang mabigat na desisyong ito upang tumaas pa ang ranggo sa world ranking.
“There is also a need for a high level training system in the Philippines to help young talented players excel. There is no reason why this cannot be done, especially given the fact that chess is quite popular there,” payo ni So.