Marami ang natuwa sa pagpapakasal ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce na kanilang ni-reveal noong Agosto 7, 2021, sa kanilang vlog at social media accounts.

Ibinahagi ni Angel sa kaniyang official Facebook page ang 'biggest lesson' na natutuhan niya mula sa love. Hindi lingid sa publiko na maraming pinagdaanan sa kaniyang past relationships si Angel, bago siya tuluyang lumagay sa tahimik.

Aniya, "Marami akong napagdaanan na experiences and I had to learn the hard way about love but there comes a point in your life na mafe-feel mo na everything will just fall into place. Hindi siya mahirap, right timing and maturity din are important na yung mga bagay na you worried about before, or iniyakan mo before."

'Crossover ng BQ at PS?' Piolo, Coco magsasama sa isang proyekto

Angel Locsin – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

"When you find one, you won't worry as much because you are ready. You learned from the past and things are just more smooth sailing. With the right partner, tulungan siya as you face every day, and you get to teach each other, learn, inspire, and grow with the support of each other," dagdag pa niya.

Ang mga past relationships ni Angel ay sina Miko Sotto, Dennis Trillo, Oyo Boy Sotto, Phil Younghusband, at Luis Manzano. Pang-anim na boyfriend ni Angel si Neil na matagal na niya umanong kaibigan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/08/kasalnasidarna-pagtanaw-sa-past-relationships-ni-angel-locsin/">https://balita.net.ph/2021/08/08/kasalnasidarna-pagtanaw-sa-past-relationships-ni-angel-locsin/

Sa ngayon, kilig na kilig si Angel kapag tinatawag niyang asawa si Neil.