Maulap na panahon, kalat-kalat hanggang malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon dahil sa low pressure area (LPA) at habagat, ayon saPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Agosto 10.

Huling namataan ang LPA sa lokasyong 810 kilometro sa Silangan ng Calayan Cagayan, ika-3 ng hapon ng Martes.

Ayon sa ekspertong si Joey Figuracion, mababa pa rin ang tsansa ng LPA para maging isang ganap na bagyo.

Gayunpaman, nagpaalala ang PAGASA sa publiko sa maaaring mga pagbaha at pagguho ng lupa.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Walang nilabas na gale warning nitong Martes ng hapon ang PAGASA. Nasa slight hanggang moderate ang lagay ng kondisyon ng karagatan sa bansa, ayon sa ahensya.

Ellalyn DE Vera-Ruiz