Hindi talaga mauubusan ng magagandang tanawin at pasyalan dito sa Pilipinas, na talaga namang maipagmamalaki sa mga dayuhang turista. Wow Philippines, 'ika nga!

Napa-wow ang mga netizen sa kuhang larawan ng photographer na si Nataniel Luperte, 38, isang photographer at drone operator, matapos niyang ibida ang top view ng 54-hectare mangrove plantation ng Batasan Island sa lalawigan ng Bohol.

"Have you seen this formation while in a plane going to Bohol? This is Batasan Island’s 54-hectare mangrove plantation in the town of Tubigon," saad niya sa caption ng kaniyang IG post.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Screenshot mula sa IG/Nataniel Luperte

Ayon sa panayam ng Balita Online, papunta siya umano sa Bohol para sa isang special video project para sa mga lokal na Bohol influencers.

"The other end of the mangrove plantation (not seen in the photos) is the community of barangay Batasan. The mangrove plantation is a great help for the community as a protection during bad weather or monsoon."

Screenshot mula sa IG/Nataniel Luperte

"Amidst these hard times, I’m still trying to promote the beautiful spots of Bohol and the Philippines (including shots taken pre-pandemic that I sometimes post as well). So, once traveling is back to normal, we already have a bucket list on where to go next. And, let’s all be responsible travelers," paalala pa niya.