Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 13 na mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng lokal na kaso ng nakahahawang Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Local Delta cases have been detected in 13 out of our 17 regions in the country,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isang pulong balitaan.
Aniya, sa kasalukuyan ay 450 na ang kumpirmadong tinamaan ng variant sa bansa.
Sa naturang bilang, 355 ang local cases, 69 ang returning overseas Filipinos (ROF), at 26 ang biniberipika pa kung lokal o ROF cases.
Ani Vergeire, sa 355 local cases, 146 kaso ang natukoy sa Metro Manila; 47 kaso ang nasa Region 4A; 39 ang nitala sa Region 3; 37 kaso ang nasa Region 7; 36 kaso sa Region 6; 22 kaso sa Region 10; at 11 naman asa Region 8.
Nakapagtala naman ang Region 11 ng anim na kaso; lima ang naitalang kaso ng Region 1; tatlo ang kaso sa Region 9 habang tig-iisang kaso naman ang naitala sa Cordillera region, Region 2 at Region 5.
Iniulat din naman ni Vergeire na sa nasabing bilang, 35 ang nakumpirma nilang fully- vaccinated na laban sa COVID-19; 17 naman ang nakatanggap ng one dose ng bakuna; 83 ang hindi pa bakunado. Inaalam pa ng DOH kung nabukunahan na ang 315 sa pasyente..
Inihayag ni Vergeire na 426 na ang gumaling habang 13 pa ang nananatiling aktibong kaso o maaari pang makahawa.
“Among the 450 Delta variant cases in our country, 426 have recovered, 10 have died, while 13 remain to be active after validation and repeat RT-PCR… The outcome of one case is still being verified,” pahayag pa nito..
Mary Ann Santiago