Hindi bakunado ang90 porsyento ng mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus disease sa St. Lukes Medical Center (SLMC), ayon kay SLMC Chief Medical Officer Dr. Benjamin Campomanes sa panayam nito sa ANCnitong Martes, Agosto 10.

“Some of the people we see are [unvaccinated] because they are waiting for some kind of vaccine that they want. And I told them that you know, it becomes too late,” sabi ni Campomanes.

“When people start waiting for the vaccine they like, then it’s too late, they get the COVID,” dagdag ni Campomanes.

Nilinaw ni Campomanes na epektibo pa rin ang lahat ng brand ng bakuna para maiwasan ang severe o critical COVID-19.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

“Hopefully we can convince people that whatever vaccine you have, get it. Because it may give you some disease, but it’s not going to make you go into the severe or critical disease that needs hospitalization,” paglilinaw ng opisyal.

Lumalabas din na ang mga bakunadong pasyenteng may COVID-19 ay hindi na umaabot sa kritikal na estado, ayon kay Campomanes.

“None in the critical and the severe stage.”

Gabriela Baron