Kinilala ng Palasyo nitong Martes, Agosto 10, ang 11.8 porsyentong paglago ng GDP sa pangalawang quarter ng taon, patunay umano na ginagampanan ng pamahalaan ang pagbalanse sa pagsagip sa buhay at hanapbuhay sa gitna ng pandemya.

Sa kabila ng nasabing GDP growth, nagbabala ang ilang ekonomista na hindi ito nangangahulugang nagbalik na ang ekonomiya matapos ang pagdausdos hanggang 16.9porsyento sa parehong quarter nitong 2021, dahilan nang pagsisimula ng recession.

Umaasa ang pamahalaan na mapanatili ang paglago ng ekonomiya hanggang sa huling quarter taon na kadalasa’y matatag ang ekonomiya ng bansa.

“Patunay po ito sa gitna ng pandemya, pinag-i-ingatan natin ang buhay para sa hanapbuhay,” sabi ni Roque sa isang online media briefing.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Dagdag pa ng tagapagsalita ng Palasyo, resulta ng maayos na balanse sa pagitan ng pagsugpo ng Covid-19 at sa pangangailangan ng kita ng tao, ang naturang GDP growth.

“Nagagalak po kami na nagkaroon tayo ng ganyan kataas na pagbangon ng ating ekonomiya. And we are hoping po na bagamat tayo po ay naglockdown ngayon ng two weeks na makakabawi pa rin tayo sa last quarter,” dagdag ni Roque.

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes ang double-digit na paglago sa ekonomiya, pangalawang pagkakataon matapos ang World War II; unang beses ang naitalang 11.99 porsyento paglago sa GDP, ikaapat na quarter taong 1988.

Raymund Antonio