Naglabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Linggo, Agosto 8, ng larawang nagpapakita na pirmado na ang Joint Memoradum Circular No. 3 kung saan nakapaloob ang mga alituntunin para sa maipamahaging ayuda sa National Capital Region.
Ayon sa DSWD, ang naturang direktiba ay pinirmahan nitong Sabado, Agosto 7.
Kabilang sa mga pumirmang opisyales ang kalihim ng DWSD na si Rolando Joselito Bautista, Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Nangakong babantayan ng DSWD ang pamamahagi sa P10.984 bilyong halaga ng ayuda para sa mga low-income at apektadong pamilya sa muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.
Pagtitiyak ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, makikipagtulungan ang kanilang ahensya sa DILG para mabantayan ang pamamahagi ng tulong-pinansyal.
Charissa Luci-Atienza