Minamadali na ngayon ng mahigit sa 300 kongresista ang mga priority bills na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisabatas bago pa ito bumaba sa puwesto sa Hunyo 2022.
Kabilang sa mga panukalang nais na ipasa agad ng Pangulo ay ang pagkakaloob ng free legal assistance assistance sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Ang mga ito ay ang House Bill No. 9898 na inihain ni ACT-CIS Rep. Eric Yap, chairman ng House committee on appropriations noong Huyo 29, at ang House Bill No. 9902 na iniharap ni Parañaque City Rep. Joy Myra Tambunting noong Hulyo 30.
Sa kanyang State of the Nation Address (Sona) noong Hulyo 26, ipinanukala ni Duterte ang pagkakaloob ng legal assistance sa mga kawal at pulis upang tulungan sa mga kasong kinakaharap bunga ng mga insidente na may kaugnayan sa pagtupad ng tungkulin.
Ito ay matapos hilingin ni Fatou Bensouda sa kanyang huling aksiyon bilang Chief Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) noong Hunyo, na imbestigahan ang Pangulo kaugnay ng kanyang madugong anti-drug campaign. Naniniwala si Bensouda na may batayan ang kasong crime against humanity laban sa Pangulo dahilsapagpapataysa maraming tao.
Kasama sa mga panukalang batas ng Pangulo ang pagbabago sa military and uniformed personnel (MUP) pension system, pagtatatag ng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad, at modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Nais din ni Duterte na magpasok ng mga susog sa Foreign Investment Act, Public Service Act, at Retail and Trade Liberalization Act.
Bert de Guzman