Napasakamay na ni weightlifter Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang condo unit na ipinangakong regalo sa kanya ng Megaworld Corporation nitong Lunes, Agosto 9.

Ang naturang two-bedroom condo ay fully-furnished na, at nagkakahalagang ₱14 milyon. Pagdidiin ni Megaworld chief strategy officer Kevin Tan, deserve na deserve ni Hidilyn ang regalong ito mula sa kanila. Maaari na umanong isama ni Hidilyn ang kanyang buong pamilya.

May be an image of 2 people and indoor
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

May be an image of 2 people, people standing and indoor
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

“She has brought so much pride to our country and she deserves all these rewards for her hard work in raising our flag so high in the Tokyo Olympics,” paliwanag ni Tan.

Mismong interior designers umano ng Megaworld ang nagdisenyo ng condo unit ni Hidilyn. Bukod sa magagarang kagamitan at appliances, agaw-pansin ang charcoal painting ng 21-anyos na fine arts student na si John Ken Gomez, na nagpapakita sa winning moment ni Hidilyn sa Olympics.

May be an illustration of 3 people, people standing and indoor
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

Paliwanag ni Tan, maaaring ma-enjoy ni Hidilyn at kanyang pamilya ang first-class amenities ng condominium, gaya ng access sa badminton courts, swimming pool, sunbathing lounge, indoor at outdoor bars, landscaped gardens, meditation garden, yoga and pilates room, game room, at fitness center.

May be an image of furniture and living room
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

May be an image of furniture and living room
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

May be an image of furniture and bedroom
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

May be an image of pool
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

May be an image of indoor
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

May be an image of 1 person, indoor and text
Larawan mula sa FB/Megaworld Corp. Lifestyle

Ginamit naman ni Hidilyn ang kanyang Facebook page upang magpasalamat sa lahat ng magagandang nangyari sa buhay nito.

"Thank you God sa lahat, aaminin ko nabuhay ako with doubts, takot, at anxiety sa puso ko simula noong lockdown last March 2020 hanggang sa matapos laro ko noong July 26,2021. Ang daming nangyari sa buhay ko at sa buhay natin lahat na binago ng pandemic 'di natin sukat akalain matutuloy ang Olympics at 'di natin sukat akalain maiuwi ko ang gold medal para sa Pilipinas, basta ‘wag tayo sumuko laban lang sa buhay. Kaya natin to!" sabi pa ni Hidilyn.