Inanunsyo ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa na gagamit sila ng mobile wallet app na GCash sa pamamahagi ng “ayuda” o financial assistance mula sa national government. 

“For the expected distribution of ‘ayuda’ for affected Muntinlupa residents under ECQ [enhanced community quarantine], the local government will use GCash. The city government decided to hold an online distribution to ensure the safety of everyone against COVID-19,” ayon sa anunsyo ng pamahalaang lungsod.

Anila, maglalabas sila ng karagdagang update tungkol sa online payout at hinimok ang publiko na gumawa ng sariling GCash accounts.

Ang ipamamahaging ayuda ay ibinigiay sa mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila matapos sumailalim ang NCR sa ECQ simula Agosto 6-20.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang paglalaan para sa tulong pinansyal sa mga lungsod at munisipalidad sa National Capital Region ay umabot sa P10,894,409,000 ay ang mga sumusunod:

1. Caloocan City – P1,342,711,000

2. Las Pinas City – 488,015,000

3. Makati City – 511,984,000

4. Malabon City – 307,004,000

5. Mandaluyong City – 347,652,000

6. Manila City – 1,488,630,000

7. Marikina City – 365,749,000

8. Muntinlupa City – 441,609,000

9. Navotas City – 197,713,000

10. Paranaque City – 556,150,000

11. Pasay City – 356,727,000

12. Pasig City – 650,886,000

13. Pateros – 52,419,000

14. Quezon City – 2,372,086,000

15. San Juan City – 101,794,000

16. Taguig City – 723,971,000

17. Valenzuela City – 589,309,000

Jonathan Hicap