Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng ng P0.0965 kada kilowatt hour (kWh) na pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Agosto.

Sa inilabas na abiso ng Meralco, nabatid na dahil sa naturang dagdag-singil, ang dating electricity rate na P8.9071/kWh noong Hulyo ay magiging P9.0036/kWh na ngayong Agosto.

Ayon sa Meralco, ang pagtataas nila ng singil ay dahil sa pagsipa ng transmission charge ng P0.1331/kWh o naging P0.7323/kWh mula sa dating P0.5992/kWh.

Nabatid na ang naturang pagtaas ng singil sa kuryente ay katumbas ng P19 dagdag sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, P29 sa mga nakakagamit ng 300 kWh, P39 sa kumukonsumo ng 400 kWh, at P48 naman sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito na ang ikalimang sunod na buwang nagkaroon ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco.

Matatandaang una nang inihayag ng Meralco na suspendido ang putulan ng kuryente o disconnection activities sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ), kabilang dito ang National Capital Region (NCR), Laguna, Cavite, Rizal at Lucena City.

Mary Ann Santiago