Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 si Manila Vice Mayor Ma. Shielah “Honey” Lacuna-Pangan.

“Nais ko pong ipabatid na ako po ay nagpositibo sa COVID-19 ngayong hapon, Agosto 8, 2021.Sa kabila ng matinding pag-iingat ay hindi ko lubos na inaasahan ang nakakalungkot na resulta. Dahil dito, kinakailangan kong pansumandaling mag pahinga at magpagaling," pagbubunyag nito.

Humihingi rin ito ng dasal para sa paggaling nito sa sakit. Nanawagan din ito sa publiko na sumunod sa ipinaiiral na safety protocols laban sa COVID-19.

Nitong Linggo, nakapagtala pa ang lungsod ng 157 bagong kaso ng sakit kaya umabot na sa 69,962 kabuuang nahawaan nito.

National

'Paanyaya upang magkaisa!' VP Sara may mensahe ngayong Bagong Taon

Andrea Aro