Inilarga na ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang body-worn camera (BWC) ng mga tauhan nito sa border control points sa National Capital Region (NCR).

Bukod sa paglaban sa kriminalidad, layunin din nito na mapadali ang pag-atas at pagkontrol ng mga opisyal ng pulisya sa kanilang mga tauhan na nakakalat sa ibang ibang bahagi ng Metro Manila.

“Our personnel on the ground have been dealing with a large number of people on a daily basis since Day One of the ECQ on August 6. These body-worn cameras will serve as the constant reminder for them to do be courteous at all times and at the same time, their protection against claims and allegations of abuses,” paliwanag ni Eleazar.

Personal ding tinutukan ni Eleazar ang live footage mula sa BCW na suot ng mga pulis na nakabantaysa mga quarantine control points (QCPs) sa NCR.

Probinsya

Matapos umanong mabaril sarili: Dueñas Vice Mayor, pumanaw na

Paglilinaw ng heneral, ang nasabing live video feeds ay nakikita sa isang giant screen na nasa Command Center sa Camp Crame, Quezon City. Nakatutok aniya rito ang mga technical support team ng PNP.

“Mahalaga rin na magamit ang ating mga body-worn cameras ng madalas para masanay na hindi lamang ang ating mga kapulisan sa na gagamit ng mga ito kundi pati na rin ang aming mga commanders sa aspeto ng command and control at ang iba pa nating mga personnel na naka-assign naman sa technical assistance sa paggamit ng mga ito. Sa pamamagitan ng mga real-time videos na nakukuha natin saiba’t ibang border ng Metro Manila kabilang ang monitoring sa traffic situations sa mga QCPs, natutulungan ang mga commander para sa anumang security adjustments at mabilis din itongnaipapaabotsa ating mga personnel sa baba for immediate implementation," katwiran ni Eleazar.

Matatandaang naglabas ang Korte Suprema ng panuntunan nitong nakaraang buwan kaugnay ng paggamit ng BWC sa mga police operations bilang tugon sa paghingi ng patnubay ng pulisya upang maiwasan na malabag ang karapatang-pantao ng mga sibilyan.

Nakabili ang PNP ng mahigit 3,000 body camera alinsunod na rin sa Congressional allocation noong 2017.

AaronRecuenco