Aprubado na sa House Committee on Ways and Means ang substitute bill upang hindi saklawin ng buwis ang mga insentibo, at donasyon na ibinigay para sa kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz at iba pang pambansang atleta, gayundin ang kanilang tagapagsanay kasunod ng matagumpay laban sa international sports competitions.
Pinagsama sa isang substitute bill ang House Bill No. 9888, 9891, 9899 at ang House Resolution No. 2040, kalakip ang mga committee report bago ito inaprubahan.
Layunin ng House Bill No. 9891 o ang proposed na “Hidilyn Diaz Act of 2021” na amyendahan ang Republic Act No. 10699 (National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act0.
Isinulong ng ilang mambabatas ang nasabing panukalang batas kasunod nang makasaysayang pagkapanalo ni Diaz sa2020 Tokyo Olympics.
Layunin ng panukala na hindi kaltasan ng buwisang mgainsentibo ng atleta at coaches na sumabak sainternational sports competitions.
“No administrative omission will prevent athletes and coaches from availing of the tax benefit,” sabi pa ni House ways and means chair, Albay 2nd District Representative Joey Salceda, na isa rin sa mga may akda ng panukala.
Hannah Torregoza