Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Agosto 9, halos 11.4 milyong Pinoy na ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa inisyung latest vaccine bulletin ng DOH, nabatid na mula Marso 1 hanggang Agosto 8, 2021 ay kabuuang 24,479,750 doses na ng bakuna ang nai-administer ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa naturang bilang, 13,087,781 indibidwal na ang nakatanggap ng isang dose ng COVID-19 vaccine habang 11,391,969 naman na ang fully vaccinated na o nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna.

Kabilang sa mga nakatanggap ng dose ang 2,061,078 health workers; 2,976,900 senior citizens; 4,093,867 persons with comorbidities; 3,333,680 essential workers; at 622,256 indigents.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, ang nakakumpleto naman na ng bakuna ay kinabibilangan ng 1,730,762 health workers; 3,318,212 senior citizens; 4,244,272 persons with comorbidities; 1,734,089 essential workers at 364,634 indigents.

Anang DOH, noong nakaraang linggo, nasa 1,421 active at reporting vaccination sites ang nakapag-administered ng average na 516,601 doses kada araw.

Noon namang Agosto 5, iniulat rin ng DOH na umabot ng 710,482 doses ng bakuna ang kanilang naitala, na pinakamataas na bilang ng bakuna na naiturok nila sa loob ng isang araw lamang.

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong Pinoy upang makamit ang herd immunity laban sa COVID-19. 

Mary Ann Santiago