Kailangang malutas nang mapayapa ang sigalot sa South China Sea (SCS) at West Philippine Sea (WPS) alinsunod sa itinatakda ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ng 2016 arbitral award.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. tungkol sa isyu ng SCS at sa desisyon ng Arbitral Tribunal na pumapabor sa Pilipinas sa ginanap na ASEAN Post-Ministerial Conference Session, kasama ang China nitong Martes na dinaluhan ng kanyang ASEAN counterparts at ni Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi.
“A peaceful South China Sea is essential to its protection and sustainable management. Disputes in it should be resolved peacefully in accordance with international law, including the 1982 UNCLOS and in recent light of the 2016 Arbitral Award which singles out no one, was carefully crafted as to be unusable as a weapon for disputation and most helpful in clarifying maritime issues,” diin ni Locsin.Binanggit niya na ang mga bansa sa Scandinavia ay ini-invoke ngayon ang award pabor sa Pilipinas at pagbasura sa nine-dash claim ng dambuhalang China.
Sa makasaysayang kapasyahan noong Hulyo 12, 2016, inihayag ng The Hague-based Permanent Court of Arbitration na walang legal na batayan ang China na umangkin ng historic rights sa ‘nine-dash line’ sa South China Sea. Sinabihan din ang Beijing na pinakikialaman at nilalabag nito ang sovereign rights ng Pilipinas. Ang ating bansa ang nagsampa ng kaso sa international court.
Hanggang ngayon, gayunman, patuloy na kinokontra at tinatanggihan ng China ang desisyon ng arbitral tribunal na pumapabor sa Pilipinas.
Samantala, nanawagansi Senator Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na itulak ang ASEAN member-states na magtatag ng isang nagkakaisang posisyon laban sa incursions ng China sa pinagtatalunang katubigan sa rehiyon.
“Dapat magkaisa ang ASEAN. When it comes to China’s belligerent actions in the West Philippine Sea, ASEAN’s principle of non-interference does not apply. Should China impede freedom of navigation in the entire South China Sea, it is not only the Philippines that will be gravely affected, but also the whole region. Kapag natalo ang Pilipinas sa digmaang-diplomatiko laban sa China, maging ang ASEAN ay talo rin,” ayon kay Hontiveros.
Sapul noong 2016, ang DFA ay naghain na ng mahigit sa100 diplomatic protests laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea. Binabalewala nito ang kapasiyahan ng Arbitral Tribunal. Parang ang dambuhala ay nananangan sa kasabihang "Might is right" o "ang Kapangyarihan ay karapatan."
Ang ilang miyembro ng ASEAN ay nagrereklamo rin sa ginagawa ng China sa SCS at WPS. Ngayon taon, ang Malaysia ay naghain ng diplomatic protest matapos na isang “suspicious” Chinese aircraft ang naispatan sa South China Sea sa may Borneo.
Noong 2020, ang Vietnam ay nagplano ring magsampa ng kaso laban sa China, tulad ng ginawa ng Pilipinas. “The ASEAN must actively exhaust all legal and diplomatic means to resist China’s excessive claims. Being passive does not help our case, especially in the face of an aggressor. China deliberately targets weaker states unable to effectively resist, thus the need for unified and concerted action,” giit ng senador..
Mukhang dumarami na naman ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ating bansa. Muling isinailalim sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa nitong Agosto 6-20. May hinala o dili kaya'y paniniwala ang mga eksperto sa kalusugan na ang pagdami ng COVID-19 cases ay dahil sa higit na nakahahawa at mapanganib na Delta variant, na ngayon ay nananalasa at naghahasik ng lagim sa mahal nating Pilipinas.