Tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa publiko nitong Linggo, Agosto 8, na valid ang dalawang pangalan sa quarantine pass.

Ayon kay Año, ang dalawang pangalan ay dapat magkasama sa iisang bahay; at inaasahang hindi kayang makalabas ang isa upang makakuha ng essential goods at services.

Aniya, isang tao pa rin ang makalalabas para gawin ang isang essential business.

Nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila mula nitong Agosto 6 hanggang Agosto 20. Muling naglabas din ang mga LGUs sa mga lungsod ng panibagong quarantine pass para sa dalawang linggong lockdown.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Chito Chavez