Sa pinakabagong episode ng 'Toni Talks' nitong Linggo, Agosto 8, nakapanayam ni Toni Gonzaga ang beteranong human rights lawyer na si Atty. Chel “Woke Lolo” Diokno.

Nagbalik-tanaw ang abogado sa pagkakaaresto ng amang dating senador na si Jose Diokno kasunod ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972.

Screengrab mula sa Toni Talks

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa paglalahad ni Chel, nasaksihan ng kanilang pamilya ang pag-aresto sa kanyang ama, na kabilang sa opposition leaders noon laban sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“It was a big trauma kasi never akong nakakita ng ganoon karaming sundalo tapos puro mahahaba pa ‘yong dala nilang baril.” pagbabalik-tanaw ni Diokno nang tanungin ni Toni ang naramdaman nito noong dinakip ang ama sa kanilang bahay.

“Never ko ring akalain na huhulihin nila ang tatay ko dahil sa isip ko—what did he do?” dagdag ni Chel.

Screengrab mula sa Toni Talks

Labing-isang taon lang noon si Diokno nang sumiklab ang Martial Law noong 1972 at ipinag-utos ng rehimeng Marcos na dakpin at ikulong ang kanyang mga kritiko, kabilang na ang kanyang ama.

Dahil sa naging ‘traumatic experience’ ng human rights lawyer, sa kanyang murang edad, ay kinuwestiyon na raw nito ang kawalan ng katarungan at ang sistema na umiiral sa bansa.

Maaga aniya siyang namulat sa reyalidad kaya’t itinuon niya angkanyangpanahon para sundan ang yapak ng ama sa mundo ng abogasya.

“I was really an introvert when I was a child. Mas mahilig akong magbasa kaysa lumabas na kasama ang mga kaibigan,” kuwento ni Chel.

Matapos na palayain si Sen. Jose Diokno, taong 1974, at tinalikuran nito ang politika, namulat ang batang Chel sa kamalayan na malaki ang pagkukulang ng hustisya sa bansa.

“My dream really was to be a human rights lawyer. It sounds a bit melodramatic but wala naman sa ambisyon ko ‘yong maging super mayaman na abogado o kaya maging any kind of super star lawyer, I just wanted to continue what he was doing,” sagot ni Chel nang tanungin ni Toni ang naging pangarap nito habang lumalaki.

Nang tanungin ni Toni kung anong nais na itama ni Diokno sa lipunan, siguradong sagot nito ay ang ‘justice system’ sa bansa kung saan halos wala na raw kumpiyansa ang tao rito.

“First, we have so much delay in our cases. May mga hawak akong kaso [na] umaabot ng ten years, twenty years bago natatapos and that kind of delay is simply not consistent with our concept of justice,” paliwanag nito kay Toni.

Ayon sa kanya, bakante ang 20% sa hanay ng mga judges sa mga korte sa bansa at 34% naman ang kailangang punan sa hanay ng mga prosecutors.

Aniya, “If we could only address that one issue, we could solve so much of our justice system.”

Sa pagpapatuloy ng panayam, tinalakay ni Toni ang paraan ng pagiging magulang ni Dikno sa kanyang mga anak.

Sa kuwento ni Diokno, malaking bahagi ng kung paano niya palakihin ang kanyang mga anak ay dahil sa paraan na minulat siya ng kanyang mga magulang.

“The same way how my parents treated me is how I treat my children. My folks, they never looked down on us. Even when we were small, ang trato sa amin hindi naman parang bata lang. They respected the fact that we could think and I try to adopt the same approach to my children,” sabi ni Chel.

Kasunod na binahagi Toni ang mensahe ni Pepe at Laya Diokno para kay Chel, kung saan nilarawan nila ang ama bilang “chill dad” at marunong makinig sa kanyang mga anak.

Screengrab mula sa Toni Talks

Screngrab mula sa Toni Talks

Sa pagtatapos ng Toni Talks episode, tinanong ng celebrity host kung ano ang paninindigan nito sa buhay, kung saan isang mahirap na tanong ito para kay Chel.

“For me, what I stand for [in life] is what is appropriate and what is right,” paglalahad nito.

“For me, what’s important in life is making sure we respect our own and others’ basic dignity,” dagdag ni Diokno

Nais ni Diokno na makilala bilang isang abogadong may paninindigan sa sariling prinsipyo.

Screengrab mula sa Toni Talks

Kasalukuyang may 183,407 views na ang Toni Talks episode sa Youtube.