Nangangamba ang mga opisyal ng Cebu City dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 at bilang ng mga namamatay sa sakit.

“We are not in good shape. It’s alarming, very alarming” pahayag ni City Councilor Joel Garganera na deputy chief implementer din ng Emergency Operations Center (EOC) ng lungsod, sa isang pulong balitaan nitong Lunes, Agosto 9.

Sa datos ng EOC, mula Hunyo hanggang Agosto, nakapagtala ang lungsod ng 7,576 na bagong kaso ng Covid-19.

Sa huling datos ng EOC, nakapagtala na ang lungsod ng 3,640 active cases.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Mula Hulyo hanggang Agosto, umabot na sa 560 ang naitalang namatay sa Covid-19 sa lungsod.

Pinangangambahang tataas pa ito dahil sa ilang kaso na huli nang naisasama sa ulat, ayon kay Garganera.

Sa unang linggo ng Agosto, mabilis na nakapagtala ng 50 Covid-19 deaths sa lungsod.

“Our hospitals are very much overwhelmed already,” sabi ni Garganera.

Paglalahad ni Garganera, ang occupancy rate ng 15 pagamutan sa kanilang lungsod ay kasalukuyang nasa 69.5 porsyento o 673 sa 969 na Covid-19 beds ay okupado na.

Sa bilisng pag-akyat ng mga bagong kaso, pinangangambahan nito na ang 296 na natitirang Covid-19 beds ay mauubos na rin sa loob lang ng ilang araw.

“I talked with some of the infectious disease experts, they told me that we are just about to start this third surge,” sabi ni Garganera.

Sa nakalipas na dalawang linggo, umabot na sa 176 medical frontliner mula sa iba't ibang ospitalaang nahawaan na ng COVID-19.

Calvin Cordova