BAGUIO CITY— Dalawa ang naiulat na nasawi at tatlo ang nasugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang truck sa magkahiwalay na aksidente saNatonin at Bontoc, Mountain Province, nitong Linggo, Agosto 8.
Sinabi ni Police Regional Office-Cordillera Information Officer Capt. Marnie Abellanida, sa unang aksidente, namatay habang ginagamot sa ospital si Cornelio Conjurado sanhi ng pinsala nito sa ulo at katawan.
Kabilang si Conjurado sa pitong pasahero ng truck na may plakang UST-199, na nahulog sa may 250 metrong lalim ng bangin sa Sitio Likey, Poblacion, Natonin, dakong alas 12:30 ng hapon.
Sa imbestigasyon, patungo na sana sa Paracelis ang mga ito nang biglang mawalan ng kontrol ang truck at mahulog sa bangin.
Nailigtas naman sina Nolie Barioga Sobia, 49, driver; Ferdinand Pangilinan Evangelista, 48, scrap collector; Novelyn Luiz Trillio, 28, merchandiser; Norman Luiz Sobia, 26; Ronnie Calonghe Luiz, 30; Jimmy Soriano Luiz, at Cormelio Conjurado, pawang mga scrap collector na taga Aurora, Isabela.
Sa Bontoc, dead on arrival sa Bontoc General Hospital si Renny Loy Gakelan Pay-agen, taga-Talubin matapos mahulog ang kanyang minamehong mini-dump truck sa may Sitio Saddle, Talubin, dakong alas 2:30 ng hapon.
Sa police report, mag-isa lamang si Pay-agenna magdedeliver ng steel bars sa Barangay Can-seo nang aksidenteng mahulog ang sasakyan sa may 70 metrong lalim ng bangin.
Zaldy Comanda