Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Agosto 10.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, magsisimula ang kanilang price adjustment dakong 6:00 ng umaga kung saan magbababa ito ng ₱0.75 sa presyo ng kada litro ng kerosene, ₱0.70 sa presyo ng diesel, at ₱0.65 sa presyo naman ng gasolina nito.

Magpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo ng produkto ang Caltex, Seaoil, Cleanfuel at Petro Gazz.

Idinahilan ng mga oil companies ang pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nitong Agosto 3, huling nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng presyo ng kanilang petroleum products

Bella Gamotea