Nagbahagi ng saloobin ang Filipino vlogger Sandy Jones Pilarca o mas kilala bilang "Lost Juan" hinggil sa kontrobersiyang isyu laban sa sikat na content creator na si Nuseir Yassin o “Nas Daily."

Ayon sa kaniyang Facebook post, sinabi nitong unti-unting nagbago si Nas matapos sumikat.
"All in all malaki na ang pinagbago nya, hindi ko na sya kilala as a friend na nakilala ko before," ani Lost Juan.
Ibinahagi nito ang kaniyang karanasan noong kasama si Nas sa Pilipinas. Taong 2017, nang nagkita sila ni Nas at humingi raw ito ng tulong para sa istoryang ieere nito.
Aniya, "To make the story short ako na halos ang nakasama nya sa entire stay nya sa PH and actually maraming videos sya na ginawa na galing saken ang idea."

Inamin din nitong marami siyang isinakripisyo para tulungan si Nas sa mga gagawin nitong content.
"Dumating pa sa point na napalayas ako sa tinitirhan ko kase most of videos na ginagawa namin kapag need ng maraming tao eh ginaganap sa place ko because malaki yung parking samen sa Makati," aniya.
Pero para sa kaniya, hindi siya humingi ng kapalit sa mga naitulong niya dahil itinuring niyang kaibigan si Nas.
Habang patuloy ang kasikatan ni Nas, napansin niya na unti-unti na rin itong nagbago. Hindi na nito malaman ang pakay o intensyon ni Nas.

"Pero unti-unti na akong na disappoint sa kanya kapag humihingi ako ng tulong or support nung nagsisimula ako pero never nya ko tinulungan," pagbabahagi nito.
Dagdag pa nito, "Hindi ko sinasabing ginamit lang ako pero parang ganun na nga. But as I said ako naman nagkusa tumulong, yun nga lang naabuso at napag-iwanan sa ere nung ako na ang nangailangan ng tulong."