Nagsimula nang mamahagi ng food packs ang pamahalaang lokal ng Caloocan sa mga residente na labis na naapektuhan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Mayor Oscar Malapitan sa kanyang Facebook post kahapon, "Ang ipamamahaging food packs sa bawat pamilya sa Caloocan ay mula sa inisyatibo at pondo ng Pamahalaang Lungsod"
Dagdag pa niya, iba pa raw ito sa ECQ cash aid na ibibigay ng pamahalaang nasyonal para sa mga benepisyaryo nito.
Tiniyak din ng alkalde na magiging sapat ang ibibigay na pagkain sa mga residente sa 14 na araw na ECQ na sinimulan noong Agosto 6 na tatagal hanggang Agosto 20.
Orly L. Barcala.