Muling pinabulaanan ni John Estrada ang isyu ng walk-out ni Ellen Adarna sa taping ng kanilang sitcom na 'John en Ellen' na katatapos lamang ang Season 2, at napapanood sa TV5.

Ayon sa panayam kay John ng PEP, mas nais daw niyang pagtuunan nang pansin ngayon kung matutuloy pa ba ang sitcom, ngayong nagdesisyon na umano si Ellen na tuluyan nang umexit dito.

Maayos naman umano ang pagpapaalam ni Ellen sa management, na tatapusin na lamang nito ang Season 2, at hindi na siya makakasama sakaling masundan pa ito.

Hinihintay lamang umano nila ang desisyon ng TV5 kung magkakaroon ng Season 3 dahil kailangan nilang maghanap ng ipapalit kay Ellen, na gumaganap bilang asawa ni John sa sitcom.

Pelikula

Direk Andoy Ranay, binuking ang JaDine: Game agad sa laplapan

Ellen Adarna to suitors: 'Give your best shot!' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Ang matunog na ipapalit nga sa sitcom ay si Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo, subalit aprub ba ito kay John?

"Ang ganda naman talaga ni Rabiya Mateo, Miss Universe, di ba? Pero ang problema, ang kailangan namin, at least nanay, e, di ba? Para hindi na mahirap, kumbaga, to adapt to the role. Kasi, ang Ellen talaga sa 'John en Ellen' is a mother who loves her children, ganun," paliwanag ni John, na siya ring line producer ng naturang sitcom.

Gayunman, nagpapasalamat pa rin si John sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang sitcom. Abangan na lamang daw ng mga tagasubaybay nila ang mga susunod na kabanata.