NUEVA ECIJA - Dahil sa matinding hirap at pagod sa pagtatago sa kabundukan, dalawang umano'y miyembro ng New People's Army (NPA) ang boluntartong sumuko sa mga awtoridad sa San Jose City ng lalawigan, kamakailan.
Ipinasya naman ni Nueva Ecija Police Director Col. Jaime Santos, na huwag ibunyag ang pagkakakilanlan ng dalawang rebelde na miyembro umano ng Josefino Corpuz Command at Arcadio Peralta Command.
Naniniwala si Santos na nais ng dalawa na mawakasan na ang armed-conflict kung kaya nagbabalik-loob na sila sa gobyerno at upang makapamuhay nang tahimik, kasama ang kanilang pamilya.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) na tutulungan nilang magbagong-buhay ang dalawang dating rebelde at isasama rin sila sa livelihood program ng pamahalaan.
Light Nolasco