Kailangan natin ng kaibigang kagaya ni Dimples Romana.
Ibinida ni Angel Locsin ang pinakamatalik niyang 'Mars' na si Dimples dahil sa lahat ng highlights ng buhay niya, through ups and downs, ay naroon at nakasuporta ang kaibigan.
Sa Instagram post ni Angel nitong Agosto 8 matapos ang pasabog na anunsyo ng kanilang kasal ni Neil Arce, binigyan ni Angel ng 'appreciation post' si Dimples, na aakalain aniyang siya ang nanay ni Angel o ni Neil dahil sa grabeng pag-iyak nito sa nasaksihang kasalan. Malalang tears of joy, kumbaga.
"Excuse me… are you the mother?" tanong niya tuloy sa mars niya. Inilagay pa niya ang naging usapan nila.
Kaya ang pakiusap ni Angel sa lahat, "Let’s protect Dimples Romana at all cost. Mahal na mahal ko 'yan!"
Sa kaniya namang Instagram posts, walang-pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Dimples para sa bestfriend.
"Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have your @papaboyetonline and I are honored and humbled to have been part of this beautiful moment and like what our beloved mayor @linocayetano said, kapag mawala pa lahat, HOPE, FAITH and LOVE remains, truly you are each other’s treasure, anubaaaaaaa naiiyak pa din ako!!!"
Sa isa pang IG post, binanggit ni Dimples ang naging roles nila ni Angel sa fantaseryeng 'Lobo,' ang unang proyekto ni Angel nang lumipat siya sa ABS-CBN, katambal si Piolo Pascual. Si Angel ang 'Huling Bantay' na lobo habang si Dimples naman ang gumanap na tagapangalaga.
"Only tears of joy for you mars @therealangellocsin and your northern star @neil_arce thank you Mr. Arce. You have made my best friend's heart find peace and comfort in knowing that my Huling Bantay will forever be loved and looked out for - Tagapangalaga."
Sa panayam noon ng morning talk show na 'Magandang Buhay,' inamin ni Dimples na naging 'accomplice' siya ni Neil para sa niluluto nitong sorpresang engagement para kay Angel. Si Dimples umano ang gumawa nang paraan upang masukatan ang daliri ni Angel, para sa engagement ring.