Magrerenta ang Commission on Elections (Comelec) ng karagdagang 10,000 voting counting machines (VCMs) na gagamitin sa May 2022 elections.

Magsasagawa muna ng public bidding ang Comelec para sa pagre-rentang precinct-based Optical Mark Reader (OMR) or Optical Scan (OPSCAN) System o Voting Counting Machine (VCM).

Maliban sa OMR/OPSCAN machine, kasama na rin sa kanilang kukunin ang 10,000 piraso ng mga main SD cards, at 10 piraso ng Wormable SD cards.

“Bids received in excess of the total ABC (approve budget for the contract) shall be automatically rejected at Bid Opening,” paglilinaw ng Comelec.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hati-hatiin sa tatlong bahagi ang pagde-deliver ng mga OMR/OPSCAN machines.

Unang idi-deliver ang 50 units nito sa Nobyembre 15, 2021; 4,950 units naman sa Disyembre 30, 2021; at ang panghuli ay 5,000 units sa Enero 30, 2022.

Samantala, hahatiin din ang delivery ng Main at Wormable SD cards: Ang una ay 5,000 piraso bawat isang main and wormable SD cards sa Nobyembre 30, 2021 at ang ikalawa na 5,000 na piraso rin ng main at wormable SD cards ay sa Disyembre 30 ng taon.

Analou de Vera