Patay ang hepe ngSulu Provincial Police Office nang barilin ng isa ring pulis sa mismong quarantine control point (QCP) sa Jolo, nitong Biyernes ng hapon.
Sa report ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kinilala ang biktima na si Colonel Michael Bawayan, Jr..
Nagsasagawa umano ng routine inspection ang biktima isang QCP sa Barangay Asturias nang biglang lapitan ng suspek na siPolice Senior Staff Sergeant Imran Jilah at binaril ito.
Kaagad namang binaril ng isa sa tauhan ni Bawayan si Jilah upang protektahan ang opisyal.
Gayunman, nagbaril umano ng sarili si Jilah na sanhi ng ikinamatay nito.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.
Matatandaang isa si Bawayan sa mga pulis na kinasuhan sa naganap na Jolo misencounter na ikinasawi ng apat na sundalong naniniktik sa galaw ng mga terorista sa Mindanao.