Napipintong magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng ₱0.80 hanggang ₱0.90 ang presyo ng kada litro ng gasolina, at ₱0.70-₱0.80 naman ang itatapyas sa presyo ng diesel at kerosene sa darating na Martes.
Ito ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado
Nitong Agosto 3, huling nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng ₱1.05 sa presyo ng kanilang gasolina, ₱0.80 sa presyo ng diesel at ₱0.75 naman sa presyo ng diesel.
Bella Gamotea