QUEZON - Naaresto ang isang alternate executive committee member ng Southern Tagalog Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (STRPC-CPP/NPA/NDF) na may patong sa ulo na ₱4.5 milyon sa ikinasang operasyon ng pulisya at militar sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro, nitong Biyernes.
Sa police report, isinagawa ang pag-aresto kay Ernesto Panganiban, na may mga alyas na "Gavino Panganiban," "Joker," "Isto," "Nori," at "Rato" at Barangay Milagrosa, Bulalacao, Oriental Mindoro,sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni acting PresidingJudge Agripino Bravo ng Regional Trial Court Branch 65 Infanta, Quezon noong Marso 18, 2019 sa kasong pagpatay.
Walang inirekomendang piyansaang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.
Sa rekord ng pulisya, si Panganiban ay alternate member ng executive committee, pinuno rin ng Regional Trade Union Bureau (RTUB) at miyembro ng Regional United Front Bureau (RUFB), STRPC, CPP-NPA-NDF.
Sangkot din umano si Panganiban ng kaguluhan at taktikal na opensiba sa Mindoro, kabilang ang engkuwentrosa pagitan ng Philippine Army sa Sitio Hinango, Brgy. Purnaga, Magsaysay, Occidental Mindoro ilang taon na ang nakararaan.
Angpabuya na₱4.5 milyon sa pagkakaaresto ni Panganibanay nakapaloob sa joint order reward ng Department of National Defense at Department of the Interior and Local Government. (DND-DILG).
Nakapiit na ngayon si Panganiban sa Gen. Nakar Police sa Quezon.
Danny Estacio