Ang mahuhuling magbenta ng pekeng vaccination cards ay sasampahan ng kaso, ito ang babala ng Muntinlupa LGU.

Sa anunsyo nitong Sabado, Agosto 7, nakatanggap daw ang Muntinlupa City Covid-19 Vaccination Program (MunCoVac) ng ilang ulat ukol sa pamemeke at pagbenta ng mga vaccination cards sa ilang computer shops sa lungsod.

“This is illegal. The BPLO [Business Permits and Licensing Office] went to the computer shop to investigate. Their business permits can possibly be revoked. People can also be charged if they are proven to be involved in faking public documents like the vaccination record,” sabi ng MunCoVac.

Dagdag ng MunCoVac, ang mga pekeng vaccination cards ay mapanganib dahil nananatiling walang proteksyon laban sa Covid-19 ang mga hindi pa nababakunahan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“They are also putting their family and other people they meet in danger. Moreover, this negates our sacrifices over several lockdowns in order to stop the spread of COVID-19,” dagdag na punto ng MunCoVac.

Maglulunsad ng verification system ang pamahalaang lokal para makumpirma ang vaccination record sa pamamagitan ng QR code.

Mula Agosto 6, nasa 199, 236; kabilang ang 5,192 na manggagawa sa mga pribadong kompanya, ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna o higit 51.7 posyento sa target na populasyong 385,725.

Nasa 145, 256 na mga indibidwal naman ang fully vaccinated na sa 37.6 porsyente na target population ng LGU.

Inaasahang makapagbubukas ang Muntinlupa ng siyam pang vaccination sites para maabot ang target na 10,000 bawat araw.

Jonathan Hicap