Sa gitna ng muling pagsipa ng kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa, binigyang diin ng Philippine Red Cross (Cross) ang pangangailangang mapabilis ang vaccination efforts.

“Urgent action is needed to arrest the rising human toll due to the ongoing pandemic, that is why the Red Cross is intensifying its vaccination efforts as COVID-19 cases in our country are surging once again,” sabi ni PRC Chairman and Chief Executive Officer Senator Richard Gordon sa isang pahayag nitong Sabado, Agosto 7.

Tumataas na bilang ng Bakuna Centers

Bilang parte ng hakbang para sugpuin ang pandemya, nagsimulang magbakuna ang PRC nitong Hunyo sa mga establisyementong kung tawagin ay Bakuna Centers.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan mula Philippine Red Cross (PRC)

Nitong Agosto 5, ang bagong PRC Edsa Boni Bakuna Center na matatagpuan sa dating 24-oras na convenience store ay nagsimula nang lumarga. Pagsisilbihan ng center ang ilang priority groups; kabilang ang Overseas Filipino Workers (OFWs) bahagi ng inisyatiba ng gobyerno, haggang A1, A2 at A3 categories.

Ayon sa PRC Health Manager na si Mark Abrigo, sila’y nabigyan ng accreditation ng LGU nitong Agosto 4 at may number na CBCR#08574.

Mula Agosto 5, mayroon nang siyam na Bakuna Centers ang PRC sa Metro Manila kabilang ang PRC PLMC Mandaluyong, PRC Edsa Boni, PRC Pasay Chapter, PRC Port Area, PRC Kabaka Manila, at PRC Letran Manila. Sa pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaang lokal, mayroon na Rizal ring Bakuna Centers sa Quezon City—Ever Commonwealth, at PRC Rizal Chapter—Arcovia Mall Pasig, at PRC Rizal Chapter— San Lorenzo Mall Makati.

Larawan mula Philippine Red Cross (PRC)

Ayon sa PRC, nakatakda na rin magbukas an ilan pang Bakuna Centers sa Metro Mnaila sa mga darating na lingo kabilang ang PRC Caloocan—MCU; PRC Malabon—Rotary Club of Malabon; PRC Quezon City—Fishermall; PRC Marikina—Concepcion Elementary School; and PRC Rizal Chapter (Pasig)—Rizal Technological University.

Merlina Hernando