Para kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., hindi ang pag-aalinlangan ng tao, bagkus ang mababang global supply ng coronavirus (Covid-19) vaccines, ang nakikita niyang dahilan para mas mababa pa sa quarter ng kwalipikadong populasyon ang maaring mabakunahan sa Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ni Locsin matapos ang ginanap na International Forum on Covid-19 Vaccine Cooperation nitong Huwebes, Agosto 5.

Sa kanyang talumpati na isinapubliko sa Youtube channel ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, binanggit ni Locsin na higit na mas mataas ang vaccination rate ng mayayamang bansa kumpara sa mga mahihirap at papaunlad pa lang.

“Four billion doses have been administered worldwide. But the rate of vaccination is 30x more in countries with the highest incomes than in countries with the lowest,” sabi ni Locsin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag niya, “In the Philippines, we have administered only 20 million doses for a population of more than 90 million qualified to take. We know the reason is not because we have many anti-vaxxers. We just don’t have enough vaccines.”

Paglalahad ni Locsin, ang mga naunang bakuna na dumating sa bansa ay agad ding ibinahagi sa naghihintay nang populasyon, at maghihintay pa umano ang Pilipinas hanggang sa muling magkaroon ng suplay habang patuloy pa rin ang pagkalat ng Covid-19.

Sa kabila nito, kahit na naniniwala si Locsin na mas maayos pa rin ang sitwasyon ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa, hindi ito rason para magsaya bagkus ito’y malaking suliranin.

“We feel every life lost, every orphan made, every family shattered, every job lost anywhere — personally,” sabi ni Locsin.

“Filipinos are raised to be people for others more than for themselves. Why my country produces more, better, and more caring healthcare workers,” dagdag ng kalihim.

Binigyang diin ni Locsin ang panawagan ni Pangulong Duterte na ituring na global public good na may kapaki-pakinabang, mabilis at murang pag-access ang bakuna konta Covid-19.

“Access to COVID-19 vaccines must not be denied or withheld. It should be made available to all, rich and poor countries alike,” sabi ni Locsin.

Pinunto rin ni Locsin na nakapag-ambag na ang Pilipinas ng halagang US$1,100,000 para sa COVAX facility initiatve.

Nitong Agosto 4, mayroong kabuuang 22,488705 na bakuna kontra-Covid-19 ang naipamahagi na sa bansa; 10,282,152 katao ang fully vaccinated na habang 12,206,553 ang nakatanggap ng kanilang first dose.

Argyll Cyrus Geducos