Nakita ang ‘significant decline’ ng vaccination sa bansa matapos ang kontrobersiyang inabot ng Dengvaxia, ayon sa lumabas na resulta ng isang pag-aaral mula University of the Philippines(UP)-Diliman College of Mass Communication.

Ito ay inanunsyo ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña sa DOSTv Facebook page nitong Biyernes, Agosto 6.

Sa pondo ng DOST-PCHRD, ang pag-aaral ay pinangunahan ni Dr. Elena E. Pernia ng UP College of Mass Communication.

“Results of the study showed that incidence of every vaccination among children is positively correlated with exposure to media content on dengue, more so with the news that has affected their actions in regards to dengue,” sabi ni de la Peña.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Moreover, findings also showed that hospitalization for children is not influenced by media platforms as being a source of information. The possible route from campaigns on dengue towards preventing hospitalization has yet to be determined,” dagdag ng kalihim.

Ayon pa sa DOST chief, nag-alok umano ng pagsusuri samedia, Department of Health (DOH)-produced materials, audience reception, interpersonal information sources on dengue and Dengvaxia ang UP Diliman project.

Pagbabanggit ni de la Peña, ang impluwensya ng pinagkukuhanan ng impormasyon sa tiwala at kumpiyansa sa interventions halimbawa ng dengue at iba pang immunization program ay isa sa mga malawak na sinuri.

“The Dengvaxia controversy led to the significant decline in vaccination. Other factors also include illiteracy and lack of information about vaccines,” paglalahad ni de la Peña.

Dagdag ng DOST chief, ang proyekto ay nagbunyag sa pananaw ng komunidad na may kaugnay ng malawak na impluwensya ng midya sa pagkakaroon ng opinyon ukol sa dengue at Dengvaxia.

“It reiterated that the success of every immunization and health program greatly depends on public understanding and the readiness of the public to support it.”

Charissa Luci-Atienza